Search Results
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Malubhang Hika (Bata)

Ang hika ay isang kondisyon kung saan humihilab ang katamtamang laki at maliliit na mga daanan ng hangin sa baga at hinaharangan ang daloy ng hangin. Nagiging sanhi ang inflammation at pamamaga ng mga daluyan ng hangin na maging mas makitid ang mga ito, gumawa ng maraming uhog, at higit pang pinababagal ang daloy ng hangin. Kapag may hika ang bata, tumutugon ang mga daluyan ng hangin sa mga nagpapasimula nito. Ang ilan sa mga nagpapasimulang ito ang usok, polusyon sa hangin, ehersisyo, matinding emosyon, mga sakit gaya ng sipon, o pollen. Sa panahon ng pag-atake ng malubhang hika, nagdudulot ang mga sanhing ito ng paghingang may humuhuni, pag-ubo, problema sa paghinga, at paninikip ng dibdib. Karaniwan din ang pag-ubo sa gabi sa hika na hindi nakokontrol.

Balangkas ng bata na ipinapakita ang sistema ng palahingahan. Ipinapakita sa mga inset ang normal na daanan ng hangin at daanan ng hangin na may hika.

Maaaring mag-iba-iba ang mga pag-atake ng hika mula sa banayad hanggang sa malubha. Sa panahon ng isang pag-atake, ginagamit ang mabilis ang bisang mga gamot upang buksan ang mga daanan ng hangin. Maaari ding uminom ang iyong anak ng ibang gamot araw-araw. Ito ay para makatulong na mabawasan ang inflammation at mapigil ang mga pag-atake.

Madalas na may mga allergy ang mga batang may hika. Tinatawag na allergen ang substansyang nagdudulot ng reaksyon na allergy. Maaaring magsimula ang mga allergen ng pag-atake ng hika o gawing malubha ang pag-atake. Maaari itong mangyari pagkatapos mismo ng kontak, o ilang oras pagkatapos. Dahil dito, maaaring i-refer ang isang batang may hika sa isang allergist upang malaman kung mayroon siyang mga allergy.

Pangangalaga sa tahanan

Maaaring magreseta ang tagapangalaga ng kalusugan ng gamot laban sa inflammation. Maaaring ito ay isang inhaler na may spacer at face mask. O maaaring ito ay tableta o likido. Sundin ang mga tagubilin para sa pagbibigay ng mga gamot na ito sa iyong anak. Para sa mga sanggol, madalas ibinibigay ang gamot na nilalanghap gamit ang makinang tinatawag na nebulizer. Gumagamit ito ng face mask para tulungan ang bata na langhapin ang gamot.

Pangkalahatang pangangalaga

  • Kung may inhaler ang iyong anak, alamin kung paano tingnan ang dami ng gamot na nasa canister. Dapal palaging gumamit ng spacer kasama ng inhaler ang mga bata kapag gumagamit ng nilalanghap na gamot na steroid. Depende sa edad ng iyong anak, maaaring sabihin ng tagapangalaga ng kalusugan sa kanya na huminga paloob at palabas nang 5 hanggang 10 beses pagkatapos ng bawat dosis bago alisin ang spacer.

  • Mahalagang gamitin ang inhaler at spacer o nebulizer sa tamang paraan. Sabihin sa tagapangalaga ng iyong anak o pharmacist na ipakita sa iyo kung paano gamitin nang tama ang inhaler o nebulizer.

  • Ipainom ang lahat ng gamot ayon sa iniresetaa. Huwag hayaan ang iyong anak na ipagamit sa iba ang mga gamot.

  • Siguraduhing may nakasulat na Plano ng Pagkilos para sa Hika ang iyong anak. Dapat malaman mo at ng iyong anak kung ano ang gagawin kung magkaroon ng pag-atake ng hika. I-update ang plano ng iyong anak bawat taon. At i-update ito kapag bumisita siya sa tagapangalaga na namamahala ng kanyang hika.

  • Magbigay ng kopya ng Plano ng Pagkilos para sa Hika sa mga tagapangalaga sa daycare, mga babysitter, at mga opisyal ng paaralan. Magdala ng kopya ng Plano ng Pagkilos para sa Hika kapag nagbibiyahe ka.

  • Siguraduhin na lahat ng miyembro ng pamilya at sambahayan ay may alam tungkol sa Plano ng Pagkilos para sa Hika ng iyong anak. Kailangan nilang malaman kung paano manmanan ang maagang palatandaan ng isang pag-atake ng hika. Kailangan din nilang malaman kung paano tumukoy at kumilos sa isang emergency.

  • Tulungan ang iyong anak na matutunan at magsanay ng mga ehersisyo sa paghinga ayon sa ipinayo. Sa isang paraan na angkop sa edad, turuan ang iyong anak tungkol sa kanyang hika at kung paano ito kontrolin.

  • Turuan ang iyong anak kung paano lumayo sa mga allergen o mga gawaing maaaring magsimula ng pag-atake ng hika. Ang mga allergen ay maaaring isang puno, pollen ng damo, hanip, ipis, o kaliskis ng hayop. Maaari ding magpasimula ng pag-atake ang mga bagay gaya ng pagtakbo at labis na paglalaro, pag-iyak, o pagtawa. Kung madalas magkaroon ng mga sintomas ng hika ang iyong anak kapag nag-eehersisyo, makipag-usap sa kanyang tagapangalaga ng kalusugan. Dapat makayang makapaglaro ng sports ang isang batang may hika at mag-ehersisyo gaya ng iba pang bata. Maaaring nasa hangin ang iba pang karaniwang nagpapasimula. Kasama rito ang usok, mga usok ng kemikal, o matatapang na amoy, gaya ng pabango. Makipag-usap sa tagapangalaga tungkol sa kung paano gawin ang iyong bahay na hindi napapasok ng allergen hangga't maaari.

  • Kung gumagamit ang iyong anak ng smartphone, pag-isipan ang pagkakaroon ng mga app na nag-aalok ng mga larong nagtuturo tungkol sa hika. Tumutulong ang mga app na ito sa mga bata na matuto tungkol sa hika sa paraang masaya at nakikibahagi. Magtanong sa American Lung Association o sa tagapangalaga ng iyong anak tungkol sa mga ipinapayong app kaugnay ng hika. Alamin kung ilang oras ang dapat gugulin ng isang bata sa paggamit ng mga ito.

  • Hikayatin ang iyong anak na isulat at itanong sa kanyang tagapangalaga ang mga tanong na may kaugnayan sa hika.

  • Ipasuot sa iyong anak ang isang pulseras o kuwintas na alertong medikal.

  • Protektahan ang iyong anak mula sa mga impeksiyon ng gawing itaas ng palahingahan o sipon. Sabihin sa kanya na madalas na hugasan ang kanyang mga kamay gamit ang sabon at malinis, dumadaloy na tubig nang hindi bababa sa 20 segundo. Ilayo ang iyong anak mula sa mga taong maysakit.

  • Ilayo ang iyong anak mula sa usok ng tabako. Huwag payagan ang sinuman na manigarilyo sa iyong bahay, sa iyong kotse, o sa paligid ng iyong anak. Lumayo sa mga pampublikong lugar kung saan pinapayagan ang paninigarilyo.

  • Siguraduhin na may malusog na diyeta ang iyong anak, nag-eehersisyo nang regular, at nananatiling gumagawa ng mga karaniwang gawain. Itanong sa tagapangalagan ng iyong anak tungkol sa pinakamahusay na uri ng ehersisyo ng katawan para sa iyong anak.

  • Magtanong sa tagapangalaga tungkol sa pagpapanatiling up-to-date ang iyong anak sa lahat ng bakuna. Kabilang dito ang bakuna laban sa trangkaso.

  • Tawagan kaagad ang tagapangalaga kung magbago ang mga sintomas ng iyong anak. Tumawag din kung humintong gumana nang maayos ang gamot.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up ayon sa ipinayo sa isang allergist o ibang espesyalista. Ipagpatuloy ang lahat ng follow-up na appointment sa tagapangalaga ng kalusugan.

Espesyal na paalala sa mga magulang

Maaaring labis na nakakatakot kapag nahihirapang huminga ang iyong anak. Subukang manatiling kalmado. Maaaring mas mabalisa ang iyong anak kung nababalisa ka. Kapag nababalisa ka, maaaring mahirap na alalahanin kung ano ang gagawin. Isipin ang paggawa ng mga pag-eensayo ng mga pag-atake ng hika. Isagawa ang bawat hakbang sa Plano ng Pagkilos para sa Hika ng iyong anak. Kung mas alam mo ang impormasyon na nasa bawat hakbang, mas madaling manatiling kalmado sa panahon ng aktuwal na pangyayari.

Ilagay ang Plano ng Pagkilos para sa Hika sa iyong smartphone o sa isang electronic device na madalas mong ginagamit. Maglagay ng papel na kopya sa isang lugar na madaling puntahan sa iyong bahay.

Tumawag sa 911

Tumawag kaagad sa 911 kung ang iyong anak ay:

  • Lubhang nahihirapang huminga at hindi tumutulong ang gamot na mabilis ang bisa

  • Nagpapakita ng anumang mga sintomas na nasa red zone na nakalista sa kanyang Plano ng Pagkilos para sa Hika

  • Nahihirapang manatiling gising, maglakad, o makipag-usap dahil sa kakapusan ng hininga

  • Gumagamit ng peak flow meter bilang bahagi ng isang Plano ng Pagkilos para sa Hika, at nasa red zone pa rin 15 minuto pagkatapos gumamit ng gamot na inhaler na mabilis ang bisa

  • Nagkukulay abo, lila, o asul ang mga labi o kuko

Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Mga pag-atake ng hika na nangyayari nang mas madalas o mas matindi.

  • Problema sa paghinga na hindi nalulunasan ng mga gamot na inireseta para sa isang malubhang pag-atake ng hika.

  • Kailangan ng iyong anak na gumamit ng pansagip na inhaler nang mahigit sa 2 beses bawat linggo, o ayon sa ipinayo ng kanyang tagapangalaga.

  • May mga sintomas ng trangkaso ang iyong anak. Mataas ang panganib na magkaroon ng kumplikasyon ang mga batang may hika o pag-atake ng hika kung magkaroon sila ng trangkaso, sinusitis, o impeksiyon sa gawing itaas ng palahingahan.

Online Medical Reviewer: Deborah Pedersen MD
Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals BSN MPH
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Date Last Reviewed: 6/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer