Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagpipigil ng Ihi (Lalaki)

Naiintindihan naming ang kasarian ay isang ispektrum. Maaari kaming gumamit ng mga salitang batay sa kasarian upang talakayin ang tungkol sa anatomiya at panganib sa kalusugan. Mangyaring gamitin ang impormasyong ito sa isang paraan na pinakamahusay na gumagana para sa iyo at sa iyong tagapangalaga habang pinag-uusapan ninyo ang iyong pangangalaga.

Ang pagpipigil ng ihi ay kapag nahihirapan kang umihi. Sa ukabg kaso, maaaring hindi ka makapaglabas ng anumang ihi. Nangyayari ang kundisyong ito kahit na ang iyong pantog ay puno.

Mga Sanhi

Ang pinakakaraniwang sanhi ng pagpigil ng ihi sa mga lalaki ay ang pagbara sa labasan ng pantog. Maaaring dahil ito sa isang pinalaki na glandula ng prostate o isang impeksiyon sa prostate o pantog. Ang ilang gamot ay maaari ding maging sanhi ng problemang ito. Mas malamang na mangyari ang kundisyong ito habang tumatanda ang mga lalaki.

Mga sintomas

Kasama sa mga karaniwang sintomas ang:

  • Pananakit (hindi lahat ay may ganito)

  • Madalas na pag-ihi

  • Pakiramdam na puno pa rin ang pantog pagkatapos umihi

  • Hindi makontrol ang paglabas ng ihi (kawalan ng pagpipigil)

  • Namamaga ang tiyan (abdomen)

Paggamot

Ginagamot ang kundisyong ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tubo (catheter) sa pantog upang maubos ang ihi. Nagbibigay kaagad ito ng ginhawa. Maaaring kailanganing manatili ng catheter sa lugar sa loob ng ilang araw. Ang catheter ay may lobo sa dulo. Pinalalaki ito pagkatapos mailagay ang catheter sa pantog. Pinipigilan nitong mahulog ang catheter.

Panloob na sphincter, Prostate, Labas na sphincter, Pantog, Urethra, Bayag

Pangangalaga sa tahanan

  • Kung binigyan ka ng mga antibayotiko, inumin hanggang sa maubos ang mga ito, o sasabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na huminto. Mahalagang ubusin ang mga antibayotiko kahit na bumuti ang pakiramdam mo. Ito ay upang matiyak na naalis na ang iyong impeksiyon.

  • Kung may naiwan na catheter sa lugar, mahalagang pigilan ang bakterya na makapasok sa collection bag. Huwag idiskonekta ang catheter mula sa pinag-iipunang bag.

  • Gumamit ng leg band para ma-secure ang drainage tube, para hindi nito mahila ang catheter. Alisin ang laman ng pinag-iipunang bag kapag napuno ito gamit ang drain spout sa ilalim ng bag.

  • Huwag hilahin o subukang ilabas ang iyong catheter. Mapipinsala nito ang iyong urethra. Ang catheter ay dapat tanggalin ng isang tagapangalaga ng kalusugan.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo.

Kung ang isang catheter ay naiwan sa lugar, madalas itong maaalis sa loob ng 3 hanggang 7 araw. Ang ilang kondisyon ay nangangailangan ng catheter na manatili nang mas matagal. Sasabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga kung kailan babalik para tanggalin ang catheter.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan

  • Pantog o sakit sa ibabang tiyan o pagkapuno

  • Pamamaga ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, o pananakit ng likod

  • Pagtagas ng dugo o ihi sa paligid ng catheter

  • Ihi na may dugo na lumalabas mula sa catheter (kung bagong sintomas)

  • Panghihina, pagkahilo, o pagkahimatay

  • Pagkalito o pagbabago sa normal na antas ng pagiging alerto

  • Kung ang isang catheter ay iniwan sa lugar, makipagkita sa iyong tagapangalaga kung ang catheter ay:

    • Nahulog

    • Tumigil sa pag-drain sa loob ng 6 na oras

Online Medical Reviewer: Marc Greenstein MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 6/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer