Pilay sa Balikat
Ang pilay ay ang pagkabanat o pagkapilas ng mga litid na nagdirikit sa mga kasukasuan. Maaaring abutin ng 8 linggo o mas matagal bago lubusang maghilom ang pilay, depende kung gaano ito kalubha. Ginagamot ang katamtaman hanggang sa malubhang pilay sa balikat gamit ang sakbat o shoulder immobilizer. Maaaring gamutin ang mga bahagyang pilay nang walang anumang espesyal na pansuporta.
Pangangalaga sa tahanan
Tutulong sa iyo ang mga sumusunod na patnubay sa pangangalaga ng iyong pinsala sa bahay:
-
Kung binigyan ka ng sakbat, hayaan itong nakasuot sa panahong ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Kung hindi ka sigurado kung gaano katagal itong isusuot, humingi ng payo. Kung lumuwag ang sakbat, i-adjust ito para ang iyong bisig ay kalinya ng lupa. Dapat maramdaman ng iyong balikat na suportado ito nang husto.
-
Maglagay ng ice pack sa bahaging napinsala sa loob ng 20 minuto kada 1 hanggang 2 oras sa unang araw. Maaari kang gumawa ng sarili mong ice pack sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ice cube sa isang plastic bag. Gumagana rin ang isang bag ng nagyeyelong peas o isang bagay na katulad nito. Ibalot ang bag sa isang manipis na tuwalya. Ipagpatuloy ang mga ice pack 3 hanggang 4 na beses sa isang araw sa susunod na 2 hanggang 3 araw. Pagkatapos, gamitin ang pack kung kinakailangan para maibsan ang pananakit at pamamaga.
-
Maaari kang gumamit ng acetaminophen o ibuprofen upang makontrol ang pananakit, malibang inireseta ang ibang gamot. Kung ikaw ay matagal nang may sakit sa atay o bato, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito. Makipag-usap din sa iyong tagapangalaga kung nagkaroon ka ng ulser sa sikmura o pagdurugo ng sikmura at bituka, o umiinom ng pampalabnaw ng dugo.
-
Naninigas ang mga kasukasuan ng balikat kung mapabayaan sa sakbat nang napakatagal. Dapat mong simulan ang hanay ng mga ehersisyo ng paggalaw karaniwang humigit-kumulang sa 7 hanggang 10 araw pagkatapos ng pinsala. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga para malaman kung anong uri ng mga ehersisyo ang gagawin at kung kailan ang pinakamaagang pagsisimula.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo.
Hindi nagpapakita ng anumang nabasag, naputol, o nabaling mga buto ang anumang X-ray na isinagawa sa iyo ngayong araw. Kung minsan, hindi nakikita ang mga bali sa unang X-ray. Kung minsan, maaaring kasing sakit ang mga pasa at pilay ng bali. Maaaring magtagal upang ganap na gumaling ang mga pinsalang ito. Kung hindi bumuti ang iyong mga sintomas o lumalala pa ang mga ito, makipag-usap sa iyong tagapangalaga. Maaaring kailanganin mo ang pag-ulit ng mga X-ray o iba pang paggamot.
Kailan hihingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:
-
Pananakit ng balikat o pamamaga sa iyong braso na lumalala
-
Nanlalamig, nangangasul, namamanhid, o nanginginig ang mga daliri
-
Maraming pasa sa balikat o itaas na braso
-
Lagnat o panginginig
Online Medical Reviewer:
Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer:
Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer:
Thomas N Joseph MD
Date Last Reviewed:
8/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.