Ang pulmonya ay isang impeksiyon sa loob ng baga. Maaaring bunga ito ng virus o bacteria.
Ang pulmonya ay dulot ng bacteria o virus. Kapag bunga ng bacteria, madalas itong ginagamot gamit ang antibiotic na gamot. Dapat magsimulang gumaling ang anak mo sa loob ng 2 araw sa gamot na ito. Karaniwang mawawala ang pulmonya sa loob ng 2 linggo. Ang pulmonya na dulot ng isang virus ay hindi ginagamot ng antibiotics. Maaari itong tumagal ng hanggang 4 linggo.
Pangangalaga sa bahay
Sundin ang mga alituntuning ito kapag inaalagaan ang anak mo sa bahay.
Mga likido
Dahil sa lagnat, ang iyong anak ay nawawalan ng labis na tubig mula sa kanilang katawan. Kailangan mong palitan ang nawalang tubig na iyon. Para sa mga sanggol na wala pang 1 taon:
-
Ipagpatuloy ang regular na pagpapainom ng gatas mula sa suso o formula.
-
Sa pagitan ng pagpapakain, magbigay ng oral rehydration solution gaya ng itinagubilin ng provider ng pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak. Ito ay inumin na mabibili mo sa mga grocery store at botika. Hindi mo kailangan ng reseta.
Para sa mga batang mas matanda sa 1 taon:
-
Painumin ang iyong anak ng maraming likido. Kabilang dito ang tubig, juice, at mga soda na walang caffeine. Maaari mo silang bigyan ng ginger ale, limonada, mga inuming prutas, at mga ice pop.
Pagpapakain
OK lang kung ayaw kumain ng anak mo ng mga solidong pagkain sa loob ng ilang araw. Siguraduhin na umiinom sila ng maraming likido.
Aktibidad
Panatilihin ang isang batang may lagnat sa bahay na nagpapahinga o naglalaro nang tahimik. Hikayatin ang madalas na pag-idlip. Ang iyong anak ay maaaring bumalik sa daycare o paaralan kapag nawala na ang lagnat at sila ay kumakain na nang maayos at bumuti ang pakiramdam.
Matulog
Ang iyong anak ay maaaring magkaroon ng mga panahon ng kawalan ng tulog at pagiging iritable. Ito ay karaniwan. Ang isang bata na may baradong ilong ay pinakamahusay na makakatulog nang nakataas ang kanilang ulo at itaas na bahagi ng katawan. Maaari mong itaas ang ulo ng frame ng kama sa isang 6 pulgadang bloke.
Ubo
Ang pag-ubo ay isang normal na bahagi ng sakit na ito. Maaaring makatulong ang isang malamig na mist humidifier sa gilid ng kama. Ang mga gamot sa ubo at sipon na hindi nangangailangan ng reseta ay hindi napatunayang nakakatulong. Ang mga gamot na ito ay maaaring magdulot ng malubhang epekto, lalo na sa mga batang wala pang 2 taong gulang. Huwag magbigay ng mga gamot sa ubo at sipon sa mga batang wala pang 6 taong gulang maliban kung sasabihin sa iyo ng provider ng pangangalagang pangkalusugan.
Huwag manigarilyo sa paligid ng anak mo. Huwag hayaang manigarilyo ang iba malapit sa anak mo. Ang usok ng sigarilyo ay maaaring magpalala ng ubo.
Huwag magbigay ng pulot sa mga batang wala pang 1 taon.
Pagbabara ng ilong
Paghigop ng ilong ng mga sanggol gamit ang isang rubber bulb syringe. Maaari kang maglagay ng 2 hanggang 3 patak ng tubig-alat (saline) na patak ng ilong sa bawat butas ng ilong bago higupin. Makakatulong ito sa pag-alis ng sipon. Available ang mga saline nose drop sa mga botika. Hindi mo kailangan ng reseta.
Gamot
Gumamit ng acetaminophen para sa lagnat, pagkabalisa, o kakulangan sa ginhawa, maliban kung may ibang gamot na inireseta. Maaari mong gamitin ang ibuprofen sa halip na acetaminophen sa mga sanggol na mas matanda sa 6 buwan. Kung ang anak mo ay may hindi gumagaling na sakit sa atay o bato, makipag-usap sa provider ng anak mo bago gamitin ang mga gamot na ito. Makipag-usap din sa provider kung ang anak mo ay nagkaroon ng ulser sa tiyan o pagdurugo sa kanilang tiyan o bituka. Huwag magbigay ng aspirin o anumang produkto ng aspirin sa sinumang mas bata sa 18 taong gulang na may lagnat. Maaaring magdulot itoisang malubhang sakit na dulot ng Reye’s syndrome. Itoay maaaring magresulta ng pinsala sa utak o atay.
Kung nireseta ang isang antibiotic, patuloy na ipainom ang gamot na ito ayon sa inutos hanggang sa mawala ang lahat. Gawin ito kahit na bumuti na ang pakiramdam ng anak mo. Huwag bigyan ang anak mo ng mas marami o mas kaunti sa antibiotic kaysa sa inireseta.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa provider ng pangangalagang pangkalusugan ng iyong anak sa susunod na 2 araw, o gaya ng ipinapayo, kung hindi gumagaling ang iyong anak.
Kung ang anak mo ay nagpa-X-ray, susuriin ito ng isang radiologist. Sasabihin sa iyo ang anumang mga resulta na maaaring makaapekto sa pangangalaga ng anak mo.