Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Impeksiyon sa Gitna ng Tainga (Adulto)

May impeksiyon ka sa gitna ng tainga, ang espasyo sa likod ng eardrum. Tinatawag din itong acute otitis media (AOM). Kung minsan sanhi ito ng karaniwang sipon. Ito ay dahil maaaring harangan ng baradong ilong ang panloob na daanan (eustachian tube) na nag-aalis ng likido mula sa gitna ng tainga. Kapag napuno ng likido ang gitna ng tainga, maaaring tumubo ang bakterya doon at magdulot ng impeksiyon. Ginagamit ang mga iniinom na antibayotiko upang gamutin ang sakit na ito, hindi mga pamatak sa tainga. Kadalasang nagsisimulang bumuti ang mga sintomas sa loob ng 1 hanggang 2 araw ng paggamot.

Pangangalaga sa tahanan

Narito ang ilang pangkalahatang alituntunin sa pangangalaga:

  • Ubusin ang lahat ng ibinigay na antibayotikong gamota, kahit na maaaring bumuti ang iyong pakiramdam pagkatapos ng ilang araw.

  • Maaari kang gumamit ng gamot na nabibili ng walang reseta, gaya ng acetaminophen o ibuprofen, upang kontrolin ang pananakit at lagnat malibang may iniresetang ibang gamot. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o kidney. Makipag-usap din sa iyong tagapangalaga kung nagkaroon ka ng ulser sa sikmura o pagdurugo sa sikmura at bituka. Huwag magbigay ng aspirin sa sinumang wala pang 18 taong gulang na may sakit o may lagnat. Maaari itong magdulot ng malubhang karamdaman na tinatawag na Reye syndrome, na maaaring magresulta sa pagkapinsala ng utak o atay. Kung hindi nagamot nang tama, maaari itong maging sanhi ng kamatayan.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo. Kung hindi bumubuti ang lahat ng sintomas, o hindi bumabalik sa normal ang pandinig sa loob ng 2 linggo, maaaring kailanganin mo ng karagdagang paggamot.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Lumulubha ang pananakit ng tainga o hindi gumagaling pagkalipas ng 3 araw na gamutan

  • Hindi pangkaraniwang pagkaantok o pagkalito

  • Pananakit ng leeg, paninigas ng leeg, o pananakit ng ulo

  • Pagtagas ng likido o dugo mula sa kanal ng tainga

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo 

  • Kumbulsyon

Online Medical Reviewer: Ashutosh Kacker MD
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Online Medical Reviewer: Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed: 5/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer