Napipinsala ka ng mga inuming may alkohol kapag sobrang marami ang nainom mo. Walang set ng bilang ng mga inumin ang nangangahulugan ng sobrang marami. Tinatawag na pang-aabuso sa alkohol ang pag-inom na nakaaapekto sa iyong buhay o sa iyong kalusugan. Maaaring maapektuhan ng pang-aabuso sa alkohol ang iyong mga kaugnayan sa iba. Maaari kang mawalan ng mga kaibigan, asawa, o maging ang iyong trabaho. Maaaring inaabuso mo ang alkohol kung totoo para sa iyo ang alinman sa mga sumusunod:
Mga problema sa kalusugan
Nagdudulot ng maraming problema sa kalusugan ang pang-aabuso sa alkohol. Kung minsan nangyayari ito pagkatapos uminom lamang ng "kaunti." Depende ang mga epekto sa kung gaano karami ang nainom mo sa isang pagkakataon at kung gaano kadalas kang umiinom. Depende rin ang mga epekto sa kung gaano katagal kang umiinom. Halimbawa, ilang buwan, taon, o dekada. Naaapektuhan ng alkohol ang lahat ng bahagi ng iyong katawan
Utak
Naaapektuhan ng alkohol ang central nervous system. Masisira nito ang mga bahagi ng utak na kumukontrol sa iyong balanse at paglakad, memorya, pag-iisip, at mga emosyon. Maaari itong magdulot ng:
-
Pagkawala ng alaala
-
Mga pagkawala ng malay
-
Depresyon
-
Pagkabalisa
-
Mga problema sa pagtulog
-
Mga kumbulsyon
Maaaring pangmatagalan (permanente) ang mga pagbabagong ito.
Puso at mga daluyan ng dugo
Maaaring masira ng alkohol ang kalamnan ng puso (cardiomyopathy). Maaari itong humantong sa:
Pinatitigas ng alkohol ang mga daluyan ng dugo. Nagdudulot ito ng mataas na presyon ng dugo.
Itinataas ng lahat ng problemang ito ang iyong panganib ng pagkakaroon ng isang atake sa puso o stroke.
Atay
Nagdudulot ang alkohol na maipon ang taba sa atay. Naapektuhan nito kung paano gumagana ang atay. Itinataas din ng alkohol ang panganib ng hepatitis. Maaari itong magdulot ng:
Maaari nitong gawing mas mahirap para sa iyo na labanan ang mga impeksiyon.
Ang mga pagbabago sa atay ay pinipigil ito upang alisin ang mga lason sa iyong dugo na nagdudulot ng sakit sa utak (encephalopathy). Nagdudulot ang kondisyong ito ng:
-
Pagkatuliro
-
Nabagong antas ng malay
-
Pagbabago sa personalidad
-
Pagkawala ng alaala
-
Mga kumbulsyon, coma, at kamatayan
Maaari ding magdulot ang mga pagbabago sa atay na maging manipis at namamaga na may dugo (varices) ang mga ugat sa iyong esophagus at sikmura. Maaari itong magdulot ng pagdurugo at pagsuka ng dugo.
Lapay
Maaaring magdulot ang alkohol ng pamamaga (inflammation) ng lapay (pancreatitis). Maaari itong magdulot ng pananakit ng tiyan, lagnat, at diabetes.
Immune system
Pinahihina ng alkohol ang iyong immune system. Mas pinahihirap nito para sa iyo ang paglaban sa mga impeksiyon at sipon. Ginagawa rin nitong mas malamang para sa iyo na magkaroon ng pulmonya at tuberkulosis.
Kanser
Itinataas ng alkohol ang panganib para sa ilang uri ng kanser. Kasama rito ang kanser ng bibig, esophagus, lalaugan, larynx, atay, at suso.
Pagganang seksuwal
Maaaring humantong ang alkohol sa mga problemang seksuwal.