Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pharyngitis (Pamamaga ng Lalamunan), Hinihintay na Ulat

Dalawang malapit na tanaw ng lalamunan na nagpapakita ng normal na mga tonsil at magang mga tonsil sa lalamunan.

Ang pharyngitis (pamamaga ng lalamunan) ay kadalasang dulot ng isang mikrobyo. Ito ay maaaring dulot ng streptococcus (strep), baktirya. Kadalasang tinatawag itong strep throat. Parehong ang mga impeksyong viral at strep ay maaaring makapagdulot ng pananakit sa lalamunan na lumalala kapag lumulunok, kumikirot na may kasamang pananakit ng ulo at lagnat. Nakakahawa ang dalawang uring ito ng impeksyon. Maaari itong maikalat sa pamamagitan ng pag-ubo, pakikipaghalikan, o paghawak sa iba matapos hawakan ang bibig o ilong.

Isang pagsusuri ang isinagawa upang matukoy kung ikaw (o ang iyong anak, kung ang bata ang pasyente) ay may strep throat. Tumawag sa pasilidad na ito gaya ng ipinag-uutos para sa resulta. Kung positibo sa impeksyong strep ang resulta ng pagsusuri, kakailanganin ng lunas gamit ang mga antibayotikong gamot. Pwedeng itawag ang isang reseta sa iyong parmasya sa panahong iyon. Kung ang resulta ng pagsusuri ay negatibo, ikaw ay malamang na may viral pharyngitis. Ito ay hindi nangangailangan ng gamutan gamit ang antibayotiko. Hanggang sa matanggap mo ang resulta ng pagsusuri para sa strep, manatili muna sa tahanan mula sa trabaho. Kung sinusuri ang iyong anak, kailangang manatili muna siya sa tahanan mula sa paaralan.

Pangangalaga sa tahanan

  • Magpahinga sa tahanan. Uminom ng madaming likido upang maiwasan ang dehydration.

  • Kung positibo sa strep ang resulta, huwag munang magtrabaho o pumasok sa paaralan sa unang 2 araw ng pag-inom ng antibayotiko. Matapos ang panahong ito, hindi kana nakakahawa. Maaari ka nang bumalik sa trabaho o ang iyong anak sa paaralan kung mabuti na ang iyong pakiramdam. 

  • Gamitin ang gamot na atibayotiko nang buong 10 araw. Huwag itigil ang gamot kahit na mabuti na ang pakiramdam mo at ng iyong anak. Napakahalaga nito upang masiguro na lubusang nalunasan ang impeksyon. Mahalaga din na iwasan ang pag-usbong ng mga mikrobyo na hindi tumutugon sa gamot. Kung ikaw o ang iyong anak ay binigyan ng ineksyong antibayotiko, wala ng iba pang antibayotiko ang kinakailangan.

  • Gumamit ng lozenges na panlalamunan o pampamanhid na spray sa lalamunan mara matulungang mabawasan ang kirot. Makakatulong din na mabawasan ang pananakit ng lalamunan ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Tunawin ang 1/2 kutsarita ng asin sa 1 baso ng maligamgam na tubig. Maaaring sumipsip ng juice o posicle ang mga bata. Ang mga batang 5 taong gulang o mas matanda ay makakasipsip ng lollipop o matigas na kendi.

  • Huwag kumain ng maalat at maanghang na pagkain o huwag bigyan nito ang iyong anak. Maaari itong makairita sa lalamunan.

Iba pang gamot para sa bata: Maaari mong bigyan ang iyong anak ng acetaminophen para sa lagnat, pagka-irita o hindi makali, kawalang ginhawa. Sa mga sanggol na mahigit 6 na buwan ang edad, maaari mong bigyan ng ibuprofen sa halip na acetaminophen. Kung ang iyong anak ay may pangmatagalang sakit sa atay o bato o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo sa GI, makipag-usap sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak bago bigyan ng mga gamot na ito. Hindi dapat gamitin ang aspirin ng sinumang bata na wala pa sa edad 18 na may lagnat. Maaari itong magdulot ng malalang pinsala sa atay.

Iba pang gamot na pang may edad: Maaari kang gumamit ng acetaminophen o ibuprofen upang makontrol ang pananakit o lagnat, maliban na lamang kung may iniresetang ibang gamot para dito. Kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o bato o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng GI, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito.

Follow-up na pangangalaga

Bumalik sa tagapangalaga ng iyong kalusugan o sa aming kawani kung ikaw o ang iyong anak ay hindi bumubuti ang iyong pakiramdam sa susunod na linggo.

Kailan dapat humingi ng medikal napagpapayo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Lagnat ayon sa ibinilin ng iyong doktor. Para sa mga bata, humingi ng tulong kung:

    • Ang iyong anak ay nasa alinmang edad na may paulit-ulit na lagnat na mas mataas sa 104°F (40°C).

    • Ang iyong anak ay wala pang 2 taong gulang at may lagnat na 100.4°F (38°C) na hindi nawawala ng higit na 1 araw.

    • Ang iyong anak ay 2 taong gulang o higit pa at may lagnat na 100.4°F (38°C) na hindi nawawala ng higit sa 3 araw.

  • Bago o lumalalang pananakit ng tainga, pananakit ng sinus o pananakit ng ulo

  • Masakit na bukol sa likod na bahagi ng leeg

  • Paninigas ng leeg

  • Ang mga kulani ay lumalaki

  • •Hindi makalunok ng likido, labis na paglalaway o hindi maibuka nang maluwang ang bibig dahil sa pananakit ng lalamunan.

  • Mga senyales ng dehydration, tulad ng matingkad na kulay ng ihi o walang ihi, lubog na mga mata, pagkahilo

  • Hirap o maingay na paghinga

  • Mahinang boses

  • Bagong pantal

  • Iba pang mga sintomas na lumalala

Pag-iwas

Narito ang mga hakbang na maaari mong gawin para makatulong na mapigilan ang impeksyon:

  • Panatilihin ang mabuting kaugalian sa paghuhugas.

  • Walang pakikipagkontak sa mga tao na may masakit na lalamunan, sipon, o iba pang mga impeksyon sa bandang taas ng palahingahan.

  • Huwag manigarilyo, at lumayo sa usok ng sigarilyo ng iba.

  • Panatilihing napapanahon sa iyong mga bakuna.

Online Medical Reviewer: Bass, Pat F III, MD, MPH
Online Medical Reviewer: Foster, Sara, RN, MPH
Date Last Reviewed: 11/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer