Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Delirium at Dementia

Ang dementia at delirium ay 2 problema sa kalusugan na binabago ang kalagayan ng pag-iisip ng isang indibidwal. Parehong naapektuhan ng mga ito ang kakayahang mag-isip nang malinaw. Mayroon silang magkaparehong mga sintomas. Ngunit mayroong magkakaibang sanhi ang mga ito. At mayroong magkakaibang paggamot at resulta ang mga ito.

Isang medikal na emergency ang delirium. Kailangan itong magamot kaagad. Pero madalas itong mapagkamalang dementia. Sa ilang kaso, maaaring mangyari nang sabay ang mga ito. Alamin kung ano ang magagawa mo upang tulungan ang isang tao na may mga palantandaan ng 1 o pareho ng mga kondisyong ito.

Ano ang delirium?

  • Ang delirium ay isang biglaang pagbabago sa kalagayan ng pag-iisip ng isang tao. Nagbabago ito sa loob maiikling panahon.

  • Magkakaroon siya ng problema sa pagbibigay ng pansin. Maaari siyang magkaproblema sa pagsunod sa isang pag-uusap. Maaaring nalilito at hindi malinaw ang kanyang pag-iisip at pagsasalita.

  • Maaari siyang magbago mula sa nababalisa hanggang inaantok.

  • Isang medikal na emergency ang delirium. Kadalasan, mayroon itong sanhi.

  • Nalulunasan ang delirium sa pamamagitan ng paghanap sa sanhi nito. Sa oras na malunasan ang sanhi, nawawala na ang delirium.

Ano ang dementia?

Pangmatagalang sakit ang dementia. Mayroon itong saklaw ng mga sintomas na ang ibig sabihin ay nawawala ang paggana ng utak ng isang tao. Lumalala sa paglipas ng panahon ang kakayahan ng isang tao na mag-isip, umalala, at makipag-usap. Permanente na ang ganitong mga pagbabago. Nangyayari ang prosesong ito sa paglipas ng mga taon. Maaari itong mangyari nang mabilis o mabagal. Depende ito sa sanhi.

Sa umpisa, kung minsan nagiging malilimutin o nalilito ang taong ito. Maaaring banayad ang mga sintomas. Habang lumulubha ang kondisyon, uulitin ng tao ang mga tanong. Maaari niyang malimutan ang pangunahing impormasyon. Sa paglipas ng panahon, mahihirapan siyang sundin ang mga tagubilin at gawin ang mga pang-araw-araw na gawain. Mahihrapan siyang makipag-usap at intindihin ang mga tao. Maaari niyang malimutan kung sino ang mga tao. Maaaring hindi niya alam kung nasaan siya. Maaari din siyang sumpungin o hindi mapakali.

Sa ilang kaso, maaaring mangyari nang bigla ang dementia. Halimbawa, maaari magdulot ang stroke o pinsala sa ulo ng permanenteng problema sa pag-iisip at pakikipag-usap. Sa mga kasong ito, maaaring hindi lumala ang dementia sa paglipas ng panahon.

Nasa panganib ang mga taong may dementia na magkaroon din ng delirium. Ibig sabihn nito na maaaring magkaroon ng malubhang sintomas ang taong may dementia dahil sa isa pang problema sa kalusugan. Kapag ginamot ang problema sa kalusugan, maaaring gumaling ang mga sintomas. Ngunit mayroon pa ring dementia ang tao.

Pag-alam sa pagkakaiba

 

Dementia

Delirium

Mga karaniwang palatandaan

Kabilang sa mga palatandaan ang pagiging malilimutin at pagkalito. Mahihirapan ang taong ito na makipag-usap at maunawaan ang iba. Nangyayari ito sa paglipas ng mahabang yugto ng panahon.

Kabilang sa mga palatandaan ng mga biglang pagbabago sa mental na kalagayan. Mga pagbabagong gaya ng pagkabalisa at pagkapagod.

Kapag lumabas ang mga palatandaan

May mabagal na pagbabago sa mental na kalagayan at pag-uugali sa paglipas ng mga buwan o mga taon.

May biglang pagbabago sa mental na kalagayan at pag-uugali sa paglipas ng mga oras o mga araw.

Pag-iisip at pagbibigay-pansin

Parang laging nalilito ang taong ito. Sa paglipas ng panahon, walang kahulugan ang kanyang pag-iisip. Hindi niya kayang magpokus nang mabuti. Madalas na hindi niya kayang makipag-usap o maintindihang mabuti ang mga tao. Sa ilang kaso, maaari siyang makakita o makarinig ng mga bagay na hindi nakikita o naririnig ng iba (mga guni-guni). Hindi niya matatandaan ang mga pangyayari na nangyari pa lang. Makakalimutan niya ang mga alaala ng mga pangyayari sa nakalipas. Maaaring hindi niya maaala kung sino ang mga tao. Maaaring hindi niya alam kung nasaan siya. Maaaring hindi niya matukoy ang mga karaniwang bagay.

Maaaring nalilito ang tao. Maaaring hirap siyang magpokus at makipag-usap sa mga tao. Malamang na hindi niya kayang sabihin sa tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa kanyang mga sintomas. Maaari siyang makakita o makarinig ng mga bagay na hindi nakikita o naririnig ng iba (mga guni-guni). Maaaring hindi niya maalala ang isang bagay na ngayon lang nangyari.

Pagtanggap ng diagnosis

Kailangang ma-diagnose nang tama ang taong may mga palatandaan ng dementia o delirium. Sa ilang kaso, makakatulong ka. Puwede mong sabihin sa tagapangalaga ng kalusugan kung ano ang pagkakaiba ng mental na kalagayan ng taong ito sa kanyang normal na kalagayan. Makakatulong ito sa doktor na ma-diagnose ang problema.

Susuriin ng mga tagapangalaga ng kalusugan ang iba't ibang bahagi ng kalusugan ng taong ito. Titingnan nila kung anong gamot ang iniinom ng tao. Titingnan nila kung may impeksiyon ang tao. Malalaman nila kung may sakit sila na mas lumala pa. Maaari silang makipag-usap sa tao para malaman pa ang tungkol sa kanilang kalagayan ng pag-iisip. At marahil gagawa sila ng mga pagsusuri para malaman kung may mga sanhi ng delirium.

Kasama sa mga pagsusuri para sa dementia at delirium ang mga pagsusuri ng dugo at ihi, at MRI o CT scan ng utak. Isang emergency ang delirium. Maaaring kailangang nasa ospital ang tao hanggang malaman ang sanhi.

Kailan kukuha ng medikal na tulong

Sinumang may dementia ay malamang may mga palatandaan din ng delirium. Maaari ibig-sabihin nito na may isa pang problema sa kalusugan.

Kung may biglaang pagbabago sa kalagayan ng pag-iisip ng isang tao, tawagan kaagad sa kanyang tagapangalaga ng kalusugan. O tumawag sa 911 . Sabihin sa tagapangalaga ang tungkol sa mga pagbabago sa kalagayan ng pag-iisip na nakita mo.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer