Pag-iwas sa Pressure Sores (Ulcers)
Ang mga pressure sores ay maaaring mabilis na umusbong, kahit sa malusog na balat. Kaya ang paggawa ng mga hakbang upang maiwasan ang mga ito ay importante. Ang pagbawas ng presyur sa balat ay ang unang hakbang. Ibig nitong sabihin ay ang madalas na pagbabago ng posisyon, pagsuporta sa katawan, at pag-iwas sa pagkiskis at pagdausdos ng balat. Ang pagpapanatiling malinis sa balat, pagkain ng mabuti, at paguunat ng mga kasukasuan at kalamnan ay makakatulong din upang maiwasan ang pressure sores.
Baguhin ang Posisyon ng Madalas
Ang pagbabago ng posisyon ng madalas ay nagpapahintulot sa dugo na makarating sa balat at panatilihing malusog ang tisyu.
SA ISANG UPUAN
-
Magpapalit palit ng timbang mula sa isang panig patungo sa isa ng hindi bababa sa isang beses sa isang oras—kada 15 minuto kung ito ay iyong kaya.
-
Magtanong ukol sa pads at unan na maaaring makabawas sa presyur sa balat.
SA HIGAAN
-
Magbago ng posisyon kada 2 oras o mas madalas kung ito’y iyong kaya.
-
Gumamit ng magagaang sapin at kumot upang mabawasan ang presyur mula sa ibabaw.
-
Magtanong ukol sa espesyal na mga pad at kutson na kinakalat ang presyur sa malaking bahagi ng katawan.
Suportahan ang Katawan
Ang pagsuporta sa katawan ay ikinakalat ang presyur sa mas malaking bahagi ng katawan.
SA ISANG UPUAN
SA HIGAAN
-
Kapag nakahiga sa iyong likuran, maglagay ng mga unan sa ilalim ng mababang kalamnan ng binti at bukung-bukong. Panatilihing bahagyang nakakurba ang iyong siko.
-
Kapag nakahiga sa iyong gilid, maglagay ng mga unan sa iyong likuran, sa pagitan ng mga binti, at pagitan ng bukung-bukong. Panatilihing bahagyang nakakurba ang siko at tuhod.
Iwasan ang pagkiskis at pagdausdos
Ang pagkikis (friction) at pagdausdos (shear) ay nagiging sanhi ng madaling pagkasira ng balat.
SA ISANG UPUAN
-
Panatilihin ang mga paa sa footrest, upang ang mga binti ay nakapahalang. Pinipigilan nito ang puwitan na dumausdos pasulong.
-
Suportahan ang balikat at likod gamit ang unan.
SA HIGAAN
-
Panatilihing makinis, tuyo at walang maliliit na bagay sa mga sapin. Gumamit ng pad na sheepskin upang maiwasan ang pagkiskis.
-
Panatilihing ang paa at ulo ay bahagyang nakaangat upang maiwasan ang pagdausdos. Huwag iangat ang ulo ng higit sa 30 degrees, gayunman, maliban na lamang kung uupo para kumain.
Panatilihing Malinis ang Balat
Ang pagpapanatiling malinis at malambot ng balat ay nakakatulong din upang maiwasan ang pressure sores.
-
Linisin ang balat mula sa pawis, ihi, o tagas mula sa sugat.
-
Pahiran ng mga cream na pangprotekta at gumamit ng absorbent pads para sa mga hindi kayang kontrolin ang pantog o pagdumi.
Magbigay ng Mabuting Pagkain at Paggalaw
Ang isang tao na madalas o palaging nasa kama o wheelchair ay nangangailangan na:
-
Kumain ng sapat na kaloriya upang mapanatili ang maayos na timbang.
-
Kumuha ng maraming protina, bitamina at iron at uminom ng madaming likido bawat araw.
-
Umalis mula sa kama o upuan hangga’t maaari.
Online Medical Reviewer:
Larson, Kim APRN, FNP
Online Medical Reviewer:
Petersen, Sheralee, MPAS, PA-C
Date Last Reviewed:
9/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.