Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkontrol sa Tagihawat ng Adulto

Lalaking nanalamin.
Humanap ng mga produkto sa pangangalaga ng mukha na inihahalo sa tubig at walang langis. Mas hindi malamang na mabarahan ng mga ito ang iong mga butas ng balat.

Pinakamahusay na gagana ang iyong paggamot sa tagihawat kung susundin mo ang iyong plano ng paggamot. Maging matiyaga. Kadalasang tumatagal ng ilang buwan para gumaling ang tagihawat, hindi mga araw o linggo. Tanungin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailan mo maaasahang mas gumanda ang hitsura ng iyong balat. Kung hindi mo makita ang mga resulta sa petsa na iyong minimithi, tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan. Maaari niyang gustuhing bigyan ka ng ilang iba pang uri ng paggamot.

Paggamit ng mga produkto at kosmetiko sa pangangalaga ng balat

Bukod sa pagsunod sa iyong plano ng paggamot, mag-ingat sa pagpili ng mga produkto at kosmetiko sa pangangalaga ng balat. Maaaring makatulong ang mga sumusunod na payo:

  • Pumili ng banayad at walang langis na mga sabon at panlinis ng mukha.

  • Huwag gumamit ng mga matapang na pangkuskos sa tagihawat, panlinis, o astringent. Maaaring makairita ang mga ito sa iyong balat at gawing mas malala ang tagihawat.

  • Magtanong sa tagapangalaga ng iyong kalusugan bago bumili ng mga panggamot sa tagihawat na walang reseta. Maaaring gumana ang ilan sa mga ito, gaya ng mga may benzoyl peroxide o salicylic acid. Ngunit madalas na mayroong masasamang epekto ang mga ito, gaya ng pagkatuyo ng balat dahil sa mga panggamot na sobrang matapang.

  • Basahin ang mga etiketa ng makeup at moisturizer. Piliin ang mga inihahalo sa tubig at walang langis. Hanapin ang salitang noncomedogenic. Nangangahulugan ito na hindi mababarahan ng produkto ang iyong mga butas ng balat.

Pangangalaga sa iyong balat

Makatutulong ang tamang rutina sa pangangalaga ng balat na mapanatiling malusog ang iyong balat. Upang ingatan ang iyong balat, subukan ang mga payong ito:

  • Hugasan nang marahan ang apektadong balat nang dalawang beses sa isang araw gamit ang banayad na panlinis. Gamit ang mga dulo ng iyong mga daliri, padulasin ang panlinis sa iyong balat. Banlawang mabuti ang iyong balat. Patuyuin ito.

  • Kung inaprubahan ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang anumang gamot sa tagihawat na walang reseta, gamitin ayon sa itinagubilin. Gamitin ito matapos mong hugasan ang iyong balat. Ipahid ang gamot sa lahat ng lugar kung saan mayroon kang tagihawat. Huwag lang gamutin ang tagihawat na nakikita mo ngayon. Maaaring mayroon nang nabubuong mga bagong dungis ngunit hindi pa nakikita. Gamutin lahat ng balat.

  • Huwag pisilin o sungkitin ang mga dungis. Maaaring kusang maghilom ang mga dungis ng tagihawat. Ngunit maaaring maging sanhi ng pagkapilat ang pagpisil. Mananatili ang mga pilat matapos maghilom ang mga dungis ng tagihawat.

  • Maaaring makairita sa balat ang paggamit ng mga espongha, brush, o iba pang nakasasakit na kagamitan upang linisin ang iyong balat. Huwag gamitin ang mga ito.

  • Kung gumagamit ka ng malalambot na espongha o tela upang magpahid ng makeup, panatilihing malinis ang mga ito.

  • Subukang huwag hawakan ang iyong mukha.

  • Kung maaari, huwag magsuot ng damit o kagamitan na humaharang o kumukuskos sa balat na may tagihawat.

Pagkakaroon ng magagandang resulta

Ang pag-aaral ng higit pa tungkol sa tagihawat ang unang hakbang patungo sa pagkontrol ng kondisyong ito. Madalas na lumalala muna ang tagihawat na ginagamot bago ito gumaling. Ngunit sa tamang paggamot at pangangalaga ng balat, maaari mong pamahalaan ang iyong tagihawat at mas maganda ang maramdaman sa iyong balat.

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Michael Lehrer MD
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 12/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer