Pamamahala ng Pananakit Matapos ang Operasyon
Espesyal na tala: Siguraduhing sundin ang alinmang partikular na tagubilin matapos ang operasyon mula sa iyong siruhano o nars.
|
Kapag ikaw ay nakauwi na matapos ang operasyon, ikaw ay maaaring makaranas ng pananakit, dahil kahit na isang simpleng operasyon ay nagdudulot din ng pamamaga at pagkasira ng tisyu. Pagdating sa epektibong pamamahala ng pananakit, ang mga payo na iyong natutunan sa ospital ay magagamit din sa bahay. Upang makuha ang pinakamainam na ginhawa sa pananakit, tandaan ang mga puntong ito:

Inumin ang iyong gamot ayon sa direksyon.
-
Kung ang pananakit ay hindi naibsan o lalong lumala, tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan.
-
Kapag ang pananakit ay nabawasan, subukang inumin ng mas madalang o sa maliliit na dosa ang iyong gamot.
Tandaan na kailangan ng oras bago tumalab ang mga gamot
-
Karamihan sa mga pansamantang pang-alis ng pananakit (pain reliever) na iniinom ay kailangan ng 20 hanggang 30 minutos upang magkabisa. Maaaring hindi nila maabot ang pinakamataas na epekto sa loob ng isang oras.
-
Inumin ang mga gamot para sa pananakit sa regular na panahon ayon sa direksyon. Huwag ng hintayin na lumala ang pananakit bago pa uminom nito.
Orasan ang iyong gamot
-
Subukang orasan ang iyong gamot upang mainom mo ito bago magsimula ng isang aktibidad, katulad ng pagbibihis at pagupo upang kumain.
-
Ang paginom sa iyong gamot sa gabi ay maaaring makatulong upang makakuha ng mainam na pahinga sa gabi.
Kumain ng madaming prutas at gulay
-
Ang hirap na pagdumi ay karaniwang epekto ng paggamit ng ilang gamot para sa pananakit. Ang pagkain ng prutas, gulay at ibang pagkain na mataas sa fiber ay maaaring makatulong.
-
Uminom ng maraming fluid.
-
Makipagusap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ukol sa pagkakaroon ng preventive bowel regimen.
Iwasang uminom ng alak habang umiinom ng gamot sa pananakit
Iwasang magmaneho o gumamit ng makinarya habang umiinom ng gamot para sa pananakit na maaaring magdulot ng pagkahilo.
Online Medical Reviewer:
Moloney Johns, Amanda, PA-C, MPAS, BBA
Online Medical Reviewer:
Cyriac, James, MD
Date Last Reviewed:
5/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.