Pagpalya ng Puso: Mga Babalang Senyales ng Atake sa Puso
Mayroon kang pagpalya ng puso. Sa sandaling magkaroon ka ng pagpalya ng puso, maaaring mangyari ang mga pag-atake. Nasa ibaba ang mga sinyales na maaaring mangahulugan na lumulubha ang pagpalya ng iyong puso. Tawagan ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung napapansin mo ang alinman sa mga babalang senyales na ito.
Pamamaga
-
Mas namamaga ang iyong mga paa, bukung-bukong o ibabang binti.
-
Mapapansin mo ang mga pagbabago sa balat ng iyong ibabang mga binti.
-
Pakiramdam mo ay masikip ang iyong mga sapatos.
-
Mas mahigpit ang iyong mga damit sa baywang.
-
Nahihirapan kang isuot o alisin ang mga singsing sa iyong mga daliri.

Kakapusan sa hininga
-
Kailangan mong huminga nang mas malakas kahit sa karaniwang gawain o namamahinga.
-
Kinakapos ka sa hininga sa pag-akyat sa hagdan o maging sa maiikling distansya.
-
Nagigising ka sa gabi nang kinakapos sa paghinga o umuubo.
-
Kailangan mong gumamit ng mas maraming unan o umupo para matulog.
-
Nagigising kang pagod o hindi mapakali.
Iba pang babalang senyales
-
Nararamdaman mong mas nanghihina, nahihilo, o mas pagod.
-
Masakit ang iyong dibdib o may pagbabago sa tibok ng iyong puso.
-
Mayroon kang ubo na hindi mawala-wala.
-
Hindi mo maalala ang mga bagay-bagay o walang ganang kumain.
-
Nahihirapan kang makatulog.
Pagsubaybay sa iyong timbang
Kadalasang ang pagtaas ng timbang ang unang babalang senyales na lumulubha ang pagpalya ng puso. Maaaring maging isang palatandaan ang pagtaas ng timbang maging ng ilang pound na nagpapanatili ng labis na tubig at asin ang iyong katawan. Ang pagtitimbang sa iyong sarili bawat araw sa umaga pagkatapos mong umihi at bago kumain ang pinakamahusay na paraan upang malaman kung nagpapanatili ka ng tubig. Kumuha ng timbangan na madaling basahin. Siguraduhin na suot mo ang parehong damit at gamitin ang parehong timbangan sa tuwing titimbangim mo ang iyong sarili. Ipakikita sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung paano subaybayan ang iyong timbang. Tumawag sa iyong tagapangalaga kung bumigat ka ng:
-
Mahigit sa 2 pound sa 1 araw
-
Mahigit sa 5 pound sa 1 linggo
-
O anumang pagtaas ng timbang na sinabi sa iyo ng iyong tagapangalaga na iulat
Dapat itong suriin at gamutin bago ito makaapekto sa iyong paghinga. Sasabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga kung ano ang susunod na gagawin.
Online Medical Reviewer:
Ronald Karlin MD
Online Medical Reviewer:
Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer:
Steven Kang MD
Date Last Reviewed:
10/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.