Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Coronary Angioplasty

Makikipag-usap sa iyo ang iyong pangkat ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa problema mo sa puso at ipapaliwanag kung paano makakatulong ang angioplasty. Binabawasan ng angioplasty ang mga sintomas ng sakit sa coronary artery sa pamamagitan ng pagpapabuti ng pagdaloy ng dugo Patungo sa iyong puso. Ang pananakit ng dibdib (angina) ay pwedeng sanhi ng hindi maayos na daloy ng dugo sa makipot o baradong artery na kadalasang nagtutustos ng oxygen at mga nutrisyon sa kalamnan ng puso. Hindi lahat ng pagbara ay naaayos sa pamamagitan ng coronary angioplasty lamang. Maaaring kailanganin mo ng ibang pang gamutan kasama na ang mga gamot, operasyon, o mga coronary stent para lunasan ang iyong sakit sa coronary artery. Isang espesyalista sa puso na tinatawag na interventional cardiologist ang gumagawa ng angioplasty procedure. Mayroon silang espesyal na pagsasanay sa paggamit ng equipment at paggawa ng procedure sa paraang ligtas hangga't posible.

Ang lobo ang pumipipi sa plaka laban sa pader ng malaking ugat.
Ang daloy ng dugo patungo sa kalamnan ng puso ay tumataas.

Mga panganib ng angioplasty

Mayroong mga panganib ang lahat ng pamamaraan. Kasama sa mga posibleng panganib na kaugnay ng angioplasty:

  • Pagdurugo ng bahagi kung saan ipinasok ang catheter papasok sa katawan (kadalasan nang sa singit, pulsuhan, o braso)

  • Pamumuo ng dugo o pagkasira ng ugat dahil sa catheter

  • Pamumuo ng dugo sa isinaayos na mga ugat

  • Impeksyon sa bahaging pinasukan ng catheter

  • Hindi normal na ritmo ng puso

  • Atake sa puso

  • Stroke

  • Pananakit ng dibdib o hindi komportableng pakiramdam

  • Pagputok (rupture) ng coronary artery o lubusang pagsasara ng coronary artery, na nangangailangan ng open-heart surgery

  • Reaksyong allergy sa paggamit ng contrast dye

  • Pagkasira ng bato dahil sa contrast dye. Sabihin sa iyong tagapagbigay pangangalagang pangkalusugan kung may sakit ka sa bato.

Habang nasa pamamaraan

  • Isang miyembro ng pangkat ng pangangalagang pangkalusugan ang magpapamanhid sa balat kung saan ipinasok ang catheter (kadalasan nang sa singit, pulsuhan, o braso) gamit ang lokal na pampamanhid. Ito ay para hindi mo maramdaman ang kirot kapag ipinapasok ang catheter. Kasunod nito, gagawa ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng maliit na butas o hiwa (tusok) para ipasok ang catheter. 

  • Ipapasok ng iyong tagapangalaga ang panggabay na kawad sa pamaamgitan ng manipis at nababanat na tubo (ang panggabay sa catheter) at dadalhin ito sa makipot na lugar sa arterya ng iyong puso. Gagamit siya ng angiogram para makita ang bara. Ang andiogram ay isang X-ray movie ng pagdaloy ng dugo sa mga artery ng puso gamit ang contrast dye.

  • Ipapasok ng iyong tagapangalaga ang isang catheter na ang nasa dulo ay lobo papasok sa panggabay na catheter at iiikid ito sa panggabay na kawad. Ipoposisyon ang mga ito sa makipot na bahagi ng arterya.

  • Kasunod ay palolobohin at aalisan ng hangin ang balloon nang ilang beses para pigain ang plaque sa pader ng arterya. Maaaring makaramdam ka ng presyon o pananakit ng dibdib kapag pinalolobo ang balloon. Sabihin sa iyong tagapangalaga kung maramdaman mo.

  • Madalas, may inilalagay din na stent sa loob ng artery. Isa itong maliit at metal mesh na tubo na tumutulong tukuran ang bahagi ng daluyan ng dugo at pigilan na magsara itong muli.

  • Sa panghuli, tatanggalan na ng hangin ng iyong doktor ang balloon at tatanggalin ang mga catheter at kawad na panggabay. Bukas na ngayon ang arterya, at babalik ang dumadaloy na dugo patungo sa kalamnan ng puso.

Pagkatapos ng pamamaraan

  • Kakailanganin mong manatili pa rin sa kama. Ito ay para mapigilan ang pagdurugo. Ang tagal ng iyong hindi paggalaw ay depende sa kung may ginamit na device na pansara, tulad ng stitch o collagen plug, para isara ang butas na ginawa sa iyong arterya. Ang tagal ng iyong hindi paggalaw ay maaaring mas maikli kung isa sa mga device na ito ang ginamit.

  • Susuriin ng nurse ang bahagi kung saan ipinasok at ang iyong presyon ng dugo nang madalas (halos bawat 15 hanggang 30 minuto). Bago umuwi, maaaring gawin sa iyo ang electrocardiogram o iba pang pagsusuri kung kinakailangan.

  • Maaaring makauwi ka na pagkalipas ng ilang oras sa araw ding iyon. O marahil sa ospital ka na magpapalipas ng gabi pagkatapos ng iyong procedure. Depende sa kondisyon mo at sa mga resulta ng iyong procedure, posibleng magtagal ang pananatili mo sa ospital.

  • Planuhin na may maghahatid sa iyo pauwi ng iyong bahay.

  • Maaaring simulan sa iyo ang mga bagong gamot para pigilan na mamuo ang dugo sa bahagi ng iyong artery kung saan ginawa ang angioplasty. Tiyaking iinumin mo ang gamit na ito ayon sa itinagubilin. Ang iba pang gamot na kadalasang inirereseta ay para pigilan na muling kumipot ang mga artery o para pigilan ang atake sa puso. Karaniwan nang kasama sa mga gamot na ito ang:

    • Isang gamot sa pagpapababa ng kolesterol (statin)

    • Mga gamot na tumutulong para mapigilan ang mga pamumuo ng dugo sa bahaging may plaque (tulad ng aspirin o clopidogrel)

    • Isang gamot sa pagpapababa ng kolesterol (gaya ng nitroglycerin)

  • Hihigpitan ang mga pwede mong gawin ng mga 3 hanggang 7 araw habang nagpapagaling ang bahaging pinagtusukan (singit, pulsuhan, o braso).

  • Panatilihing malinis at tuyo ang bahaging pinagtusukan hanggang maghilom na ang balat sa bahaging iyon. Ok lang ang pagsa-shower. Ngunit huwag magbabad sa bathtub, hot tub, o sa swimming pool hanggang sa maghilom na ang balat.

  • Normal lang na magkapasa o may makapang bukol na kasing laki ng munggo sa ilalim ng balat ng bahaging pinagtusukan. Maaaring collagen ang bukol na ito o mga tahi na ginamit para isara ang artery. Paliit nang paliit ito sa paglipas ng panahon. Hindi ka dapat magkaroon ng aktibong pagdurugo o lumalaking pasa sa bahaging iyon.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:

  • Hindi normal o nagtatagal na pananakit ng dibdib

  • Matinding kirot, pamamanhid, malamig na pakiramdam, mangasul-ngasul na kulay ng leeg o braso kung saan ipinasok ang catheter

  • Pagkahimatay

  • Mayroon kang dugo sa iyong ihi; may dugo, maitim, o tila alkitran na dumi; o iba pang uri ng matinding pagdurugo

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod:

  • Mayroon kang pananakit ng dibdib na nawawala kaagad kapag ininuman ng gamot

  • May pananakit sa bahaging pinagtusukan, pamamaga, pamumula, pagdurugo, o may tumatagas

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Robyn Zercher FNP
Online Medical Reviewer: Ronald Karlin MD
Date Last Reviewed: 3/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer